Musta na? Medyo matagal din akong di nakapagblog dahil sa pagbakasyon namin sa ‘pinas. Di kasi ako nakapag-internet dun kaya di rin nakapag-update dito. Balak ko sana maglagay ng mga litrato dito ng mga pinupuntahan ko dun habang nagbabakasyon, kaso tinamad na ako nung andun na ako.
Ok naman ang bakasyon namin, hassle nga lang dahil laging nagkakasakit dun sila Lana at Lorin, naospital pa nga si Lana bago mag-birthday. Mabuti na lang at gumaling agad kundi namulubi kami malamang sa bayad sa ospital.
Naku may atraso ako sa mga ka-WPP ko, Kengks, sorry kung di na ako nakapagtext o tawag man lang bago ka umuwi pabalik ng alemanya, yun kasi ang mga panahon na ginagawa na naming pasyalan ang doktor at ospital eh! Maraming salamat sa ‘yo sa blowout mo nung eb natin, sobrang nag-enjoy ako kakalaro sa mga little kengkays mo. Pasensiya na kina Lenggai, Pusa, Malen, Selvo, Antuken,Nika,Yuri, Dayunyor, atbp. kasi umuwi kami agad ng sanpit kong prinsesita(Michael) nung eb natin. Di na rin ako nakapunta nung nagkita-kita sila maru sa gimikan sa edsa shangri-la. Sorry po!
Andami ko pang binalak na puntahan nung andito pa ako na di ko rin napuntahan. Wala na kasing budget at dahil nga sa pamamasyal sa doktor at ospital.
Sana makauwi ulit kami next year, kailangan na namang busugin muna ang aming mahal na alkansiya para makaipon ng pamasahe pauwi.
eto pala yung ibang mga pictures nung eb:
Read more »