Kiko po

ipodman.jpg

Ano kaya……?

……….kung hindi nagkakilala ang nanay at tatay ko? Eh di hindi sana ako ipinanganak dito sa mundo at nabubuhay ng tatlumpu’t-limang taon.

……….kung hindi kami napalipat sa pasay nung bata ako? Eh di hindi ko sana nakilala itong esmi ko na taga-pasay din.

……….kung hindi ako bumili ng chicharon sa binondo nung 1999? Eh di hindi ko sana nakita yung placement agency na nagrerecruit papuntang abu dhabi at di nasundan si gf na esmi ko na ngayon.

……….kung hindi kami napunta sa ireland nung 2002? Eh Baka andun pa rin kami sa UAE at nagdedesert safari at nagsha-shopping! 🙂
……….kung hindi kami nagkaanak nung 2004 at ngayong 2007? Eh di sana wala kaming dalawang tsikiting na pagkakyut talaga!(love your own! hehe!)

……….kung di ako natutong gumamit ng computer? Eh di sana di ako natutong mag-blog!

……….kung di ako nanood ng batibot noon? Eh di sana hindi kiko matsing ang pangalan ng blog ko at wshrwshuwshr lang.

……….kung di mo na-click ‘tong page na ‘to? Eh di sana hindi ka nakornihan dito sa mga isinulat ko! Hahaha!

Mabuti na lang nangyari ang lahat ng nasa itaas!

%d bloggers like this: